Pag-aresto kay Pastor Quiboloy, posibleng ipaubaya ng Kamara sa Senado

Para kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, posibleng ipaubaya na lang sa Senado ng House of Representatives ang pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Paliwanag ni Gutierrez, ito ay dahil tinapos na ng House Committee on Legislative Franchises ang pag-dinig kaugnay sa mga paglabag sa prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI) kung saan pinapaharap si Quiboloy.

Binanggit ni Gutierez na sa Senado naman ay may nagpapatuloy pang pagdinig kung saan pinahaharap din si Quiboloy.


Sabi naman ni House Majority Leader at Zamboanga 2nd District Rep. Manuel Jose Dalipe, maaaring hindi kailangan na ipatupad ang contempt at arrest order laban kay Quiboloy kung maipapasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na bawiin ang legislative franchise ng SMNI.

Facebook Comments