Pag aresto ng PNP kay Maria Ressa hindi dapat kwestyunin

Walang iregularidad o paglabag ang Philippine National Police sa ginawa Pag aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

 

Ito ang iginiit ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

 

Aniya mayroong existing warrant of arrest si Ressa na inisyu ng korte kaya kailangan aniya nilang gawin ang kanilang mandato na arestuhin rito.


 

Maari naman daw magpyansa ang Rappler CEO dahil bailable ang kaso nito, binigyan diin pa ni PNP Chief na kahit sinomang indibidwal kapag may kinakaharap na kaso at may warrant of arrest ay kanilang inaaresto.

 

Matatandaang alas -6:30 ng umaga kanina ng arestuhin si Maria Ressa paglapag sa NAIA ito ay dahil sa kasong Anti Dummy Law.

 

Sinundo si Ressa ng mga tauhan ng Eastern Police District na nagsilbi rito ng warrant of arrest at dinala sa Pasig Regional Trial Court branch 265.

Facebook Comments