Pag-aresto sa isang vlogger sa Cebu, paalala sa mga content creators na maging responsable

Pinaalalahanan ni House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City ang mga content creators na maging responsable at tiyaking tama at totoo ang mga impormasyong ibinabahagi nila online.

Mensahe ito ni Zamora makaraang arestuhin ang isang vlogger sa Oslob, Cebu na si Wendelyn Magalso dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kaugnay umano ito sa post ni Magalso sa social media ng pekeng content na ginawang legal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang paggamit ng iligal na droga sa bansa.


Ayon sa National Bureau Investigation (NBI), binago ni Magalso ang isang post ng TV network sa pamamagitan ng paglalagay ng pekeng quotes na pinalabas nyang sinabi ni Pangulong Marcos.

Giit ni Congw. Zamora, may hangganan ang pagiging ‘content creator,’ lalo na kung ginagawa mo ito para manira, magpakalat ng kasinungalingan, at kumita mula sa panloloko.

Facebook Comments