Pag-aresto sa mga chairman na mabibigong mapigilan ang mass gathering, gagamitan ng “compassionate approach”

Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 na paiiralin nila ang “compassionate approach” sa pag-aresto sa mga barangay chairman na mapapatunayang bigong mapigilan ang mass gathering sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay NTF Against COVID-19 Spokesperson Retired Gen. Restituto Padilla, nauunawaan nilang hindi madali ang trabaho ng mga barangay captain kaya bibigyan muna ang mga ito ng warning.

Aniya, hindi rin ligtas sa mandatong ito ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga namumuno sa mga village.


Giit ni Padilla, posibleng masuspinde o pagmultahin ng opisyal na mapapatunayang lalabag dito.

Facebook Comments