Pag Aresto sa mga Nakawalang PDL Dahil sa GCTA, Suspendido

Cauayan City, Isabela –Hindi muna aarestuhin ng kapulisan sa Rehiyon Dos ang mga napakawalang bilanggo sa bisa ng GCTA Law.

Ito ang binanggit ni Police Colonel Domingo R Lucas, Deputy Regional Director for Operations (DRDO) ng PNP Region 2 sa naging uganayan nito sa PRO2 Press Corps Officers sa tanggapan ng R5 ngayong Setyembre 20, 2019.

Kasama niyang humarap sa media si Police Colonel Roberto Bucad, pinuno ng Regional Operations Management Division(ROMB) ng PNP Cagayan Valley.


Ayon sa ipinaabot na impormasyon, suspendido ang pag aresto sa mga PDL’s na napakawalan dahil sa bisa ng tala na ibinaba ng PNP Directorate for Operations ngayong araw, Setyembre 20, 2019.

Ayon sa nakasaad sa pangatlong talata nito ay di muna magsasagawa ng pag aresto ang PNP matapos ang palugit na nagtapos kahapon ni Pangulong Duterte sa pagsuko ng mga bilanggong napakawalan dahil sa GCTA.

Magpagayunpaman, sinabi ni DRDO Lucas na kapag mayroong nais sumuko sa kanila ay tatanggapin nila ito at ipapasakamay sa Bureau of Corrections.

Dito sa Rehiyon Dos ay mayroong 57 na inbidwal ang kasama sa 2000 na nakalaya dahil sa GCTA.

Sa datos ng PNP ay 34 sa mga ito ang sumuko bago ang palugit kahapon samantalang 23 pa sa mga ito ang patuloy pa ring nakakalaya.

Handa naman ang PNP Rehiyon Dos na magsagawa ng pag aresto kung sila ay makakatanggap ng kautusan mula sa kanilang nakakataas na tanggapan.

Sa limang probinsiya ng Rehiyon Dos ay ang Cagayan ang may pinakamaraming sumuko sa bilang na 19, sumunod ang Isabela na mayroong 9, pangatlo ang Nueva Vizcaya na may 4, pang apat ang Quirino na may 2 at sa Batanes ay walang naitalang bilanggo na napakawalan dahil sa GCTA Law.

Facebook Comments