Pag-aresto sa nagturo kay Kian Delos Santos bilang drug runner, palabas lang ng Caloocan Police – ayon sa NBI

Manila, Philippines – Kinumpirma ng NBI na palabas lamang ang ginawang pag-aresto ng Caloocan Police sa asset na nagturo kay Kian Delos Santos bilang isang drug runner.

Ayon sa NBI, pinalabas ng Caloocan Police na katransaksyon ni Kian sa iligal na droga ang asset na si alyas Nono.

Layon anila nito na mapagtakpan ang krimen na nagawa ng mga pulis.


Mismong ang testigo raw kasi ang nagsabi na kasama ng mga pulis si Nono nang kanilang bitbitin si Kian bago ito pinatay.

Inihayag ng NBI na si alyas Nono rin ang nagturo sa mga pulis sa bahay ni Kian nang halughugin ito nang walang search warrant.

Kahapon kinasuhan na ng NBI sa Department of Justice ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian.

Facebook Comments