May free wifi na sa West Philippines Sea.
Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay naglunsad ng free wifi for all program sa Pag-asa sa Kalayaan Group of Islands.
Sa inisyatibong ito, ang 184 na nakatira sa remote island ay hindi na kailangang gumastos ng libu-libong salapi kada buwan para maka-konekta sa internet.
Ayon kay Kalayaan Tourism O-I-C Ana Rhea Bania, malaking tulong ang libreng wifi sa kanila lalo na sa kanilang isolated situation.
Ang mga residente ng Pag-asa ay maaaring mag-connect online sa kanilang Municipal Plaza at sa Kalayaan Town Hall.
Ang free wifi for all program ay layuning magbigay ng libre at matatag na internet connection sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Facebook Comments