Manila, Philippines – Inihain ni Senator Sonny Angara ang senate bill number 944, na nagpapadeklara sa pag-asa island cluster bilang ecotourism destination and protected area.
Paliwanag ni Senador Angara, ang kanyang panukala ay bilang suporta na rin sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang tourist destination ang Pagasa Islands.
Ayon kay Angara, panahon na para i-develop ang Pagasa Island na isang napaka-gandang lugar na matatagpuan 480 kilometro mula sa katimugang bahagi ng palawan.
Sa ilalim ng panukala, ay bubuuin ang Pagasa Island ecotourism cluster governing board na siyang mangangasiwa sa pag develop sa lugar.
Magiging chairman nito ang gobernador ng Palawan, co-chairnaman ang congressman ng first district ng palawan, habang vice chair naman ang regional director ng DENR at DOT.
Magiging miyembro naman ng nasabing board ang mayor ng Municipalityof Kalayaan, commander ng AFP western command at kinatawan mula sa ngp, academe, business at private sector.
Pag-Asa Island, pinadedeklara ni Sen. Angara bilang ecotourism area
Facebook Comments