Nag-uunahan ang mga tricycle driver ng tatlong barangay sa San Juan City na magpadikit ng stickers ng Pulso ng Metro.
Unang-una sa listahan ay ang Bluman TODA ng Brgy. Kabayanan kung saan mainit na tinanggap ni Kagawad Carlos Ofrecio ang Pulso ng Metro Team.
Sunod na nagpakita ng mainit na suporta ay ang mga driver ng F. Roman TODA ng Brgy. Balong bato kung saan mainit din tayong tinanggap ni Kagawad Boyet Tolentino na kanina ay abalang-abala sa affair ng barangay ngayong araw kaugnay ng pandemya.
At sa huli ay ang Sto. Toribio TODA na ayon kay Brgy. Sta. Lucia Chairman Eustaquio Belches, Jr. ay nakiki-terminal lamang dahil sa pandemya dulot ng kawalan ng biyahe ng jeepney na siyang pangunahing transportasyon dito sa Bgry. Sta. Lucia, San Juan City.
Sa una ay nakatingin lamang ang karamihan sa tricycle drivers ngunit nang maipaliwanag ang ating kampanya, nabuhayan ng loob ang mga driver dahil sa surpresa nating Noche Buena package, ramdam nila, tuloy na ang pasko.
Positibo naman ang pamunuan ng mga Barangay Kabayanan, Balong Bato at Sta. Lucia sa serbisyong maihahatid ng Pulso ng Metro ng Radyo Trabaho sa kanilang nasasakupan.
Manatiling nakatutok sa mga programa ng DZXL Radyo at abangan na baka ang barangay ninyo ang aming sunod na bibisitahin.