Pag-atake kay VP Sara Duterte, mariing itinanggi ni Speaker Romualdez

Mariing itinanggi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na inaatake niya si Vice President Sara Duterte at iba pang kaalyado ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Romualdez, nirerespeto si VP Sara bilang ikalawang pangulo at kalihim ng edukasyon.

Diin pa ni Romualdez, suportado niya si Duterte at nami-miss na niya ito dahil kahit papaano ay may pinagsamahan sila.


Naalala pa ni Romualdez na siya ang campaign manager ni VP Sara sa kandidatura nito noong 2022 Elections at masaya siya sa pagkapanalo nito sa halalan.

Facebook Comments