Pag-atake ng Abu Sayyaf Group sa Basilan na ikinasawi ng siyam na sibilyan, kinondena ng militar

Manila, Philippines – Kinondena ng AFP Ang pag-atake ng Abu sayyaf group sa Brgy Tubigan, Maluso, Basilan kahapon na nagresulta sa pagkamatay ng 8 sibilyan, 1 CAFGU at pagkasugat ng 9 na residente.

Ayon Kay western mindanao command commander lt. Gen. Carlito galvez jr., ang pag-atake ng Abu sayyaf sa mga inosenteng sibilyan ay maaring paghihiganti ng terroristang grupo sa sunod sunod na pagkatalo Laban sa militar.

Nakiramay din si Galvez sa mga pamilya ng mga biktima, at tiniyak na hindi titigil ang militar sa pagtugis sa bandidong grupo.


Iniulat naman ni Colonel Juvymax Uy, Commander of the Joint Task Force Basilan,

Sa ngayon patuloy ang hot pursuit
ng tropa ng 68th Infantry Battalion at PNP sa mga terroristang nagsitakas matapos Ang pag-atake.

Matatandaang kahapon ng umaga ay umatake ang ASG sa bgy tubigan Kung saan nagawa nilang sunugin ang bgy multipurpose center at limang bahay.

Facebook Comments