Pag-atake ng Iran sa Israel, walang direktang epekto sa bigtime oil price hike bukas

Speculative effect lamang at hindi direktang nakakaapekto ang pag-atake ng Iran sa Israel sa nakaambang malakihang taas-presyo sa petrolyo bukas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Energy o DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na nagsimula kasing maramdaman ang paggalaw ng presyo ng langis noong nagkaroon ng tensyon sa Middle East.

Mas lalala rin aniya ang speculative effect kapag gumanti ng pag-atake ang Israel.


Pero sabi ni Abad na wala itong malaking epekto sa aktwal na suplay ng langis, dala lamang ito ng pangamba.

Bukod dito, hindi rin aniya maituturing na mayroong epekto sa global market ng langis maging ang bagyong Milton na tumama sa US, dahil ang Florida ay hindi rin naman aniya maituturing na kabilang sa oil producing region.

Facebook Comments