PAG-ATAKE NG KUHOL SA MGA TANIMAN NG PALAY SA BAYAN NG MANGALDAN, PROBLEMA NGAYON NG MGA MAGSASAKA

Dahil sa pag-atake ng kuhol sa mga palayan sa bayan ng Mangaldan, hindi pa makabalik sa pagtatanim ng palay ang ilang magsasaka sa bayan.
Ayon sa mga residente, buwan ng Nobyembre pa sana silang nakabalik sa pagtatanim ng palay ngunit sinabayan ito ng pag-atake ng kuhol kung saan takot ang mga magsasaka dahil baka malugi, masira at mamamatay lamang ang punla.
Dahilan umano ng paglipana ng kuhol sa ilang barangay ay dahil sumano sa sobrang patubig sa mga irigasyon.

Pakiusap naman ng ilang magsasaka na sana ay pansamantala munang isara ito para makapagtanim na sila at para makontrol ang paglabas ng tubig Isinangguni na ng mga ito ang kanilang problema sa Municipal Agriculture Office at agad naman itong tutugunan.
Humingi na rin ng tulong ang mga magsasaka sa Department of Agriculture upang masugpo ang kanilang hinaing at upang sila ay makapagtanim na. |ifmnews
Facebook Comments