Pag-atake ng NPA sa Eastern Samar, kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process

Mariing kinondena ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang ginawang pag-atake ng New People’s Army sa Eastern Samar kung saan dalawa ang nasawi at 15 ang nasugatan.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, kahit sinusubukan ng pamahalaan na resolbahin ang pinag-uugatan ng insurhensya, patuloy pa ring ang pag-atake ng mga rebeldeng Komunista.

Iginiit ni Galvez na ang mga nakagawa ng ganitong krimen ay hindi makakatakas sa batas.


Kailangan aniyang mapanagot ang mga ito sa mga ginawa nila.

Una nang nagpahayag ng pagkondena ang Malacañang sa pag-atake.

Facebook Comments