Mariing kinondena ng League of Parents of the Philippines ang panibagong pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa Borongan, Eastern Samar.
Ayon sa PLP president Remy Rosadios, nangyari ang pag-atake sa kabila na rin ng muli na namang pag-usad ng Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan at ng CPP-NPA at NDF sa bansang The Netherlands.
Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo sa harap ng Dutch embassy para ipanawagan na ipatapon na sa bansa si CPP founder Joma Sison.
Ani Rosadios, dapat managot ang Dutch government sa karahasan na inihahasik ng NPA na karahasan dahil pinapayagan nito si Joma Sison na mapatakbo ang giyera sa Pilipinas via remote control.
Mga inosente ang malalagay sa alanganin kung patuloy na kakanlungin ng Dutch government si Joma Sison.