Pag-atake ni Pacquiao kay Pangulong Duterte, “bad move” ayon sa malacañang

Naniniwala ang Malacañang na hindi magandang strategy para kay Senator Manny Pacquiao na banatan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang tukuyin ni Pacquiao kung ano ang mga ahensyang sangkot sa katiwalian at ipakita ang mga ebidensya.

Hindi matalinong hakbang ang pagtira ni Pacquiao kay Pangulong Duterte para maabot ang mga inaasam nito sa pulitika.


Hindi rin maintindihan ni Roque kung bakit nasa opensiba si Pacquiao gayung hindi pa pinapangalanan ni Pangulong Duterte ang kanyang kandidato sa pagkapangulo.

Facebook Comments