Mariing kinikondena ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang pagpapasabog ng landmine ng rebeldeng grupo sa convoy ng mga sundalo ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army kaninang umaga sa Barangay Doles, Magpet, North Cotabato
Sa official statement na inilabas ng tanggapan ni Gov. Mendoza, tinawag na “terroristic attack” ng gobernadora ang insidente, anya pakay lamang ng militar na makapaghatid ng basic social services sa mamamayan.
Ayon sa report, pinasabugan ang apat na KM 450 na kinalululanan ng militar habang bumabaybay ang mga ito sa bisinidad ng Barangay Doles.
6 na mga sundalo ang nasugatan sa insidente.
Ang mga ito ay kinilalang sina 2nd Lt. Rustine Barco, CPL Ronie Gutierrez, CPL Roldan Parcon, CPL Shanon Obaldo, PVT Rolando Bublao at PVT Dennis Andol.
Nagawa pang makipagpalitan ng putok ng tropa ng pamahalaan sa mga pinaniniwalaang rebeldeng grupo at matagumpay na naitaboy ang mga ito.
Napag-alaman na galing sa medical and dental mission ang mga sundalo kasama ang medical team ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Provincial Government of Cotabato at pabalik na sana sa Cotabato Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City nang maganap ang pang-aatake.(photo:CTTO)
Pag-atake sa convoy ng mga sundalo sa North Cotabato, kinondena ni Gov. Mendoza!
Facebook Comments