Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang pag-atake sa radio blocktimer ng DYRI-RMN Iloilo na si Flo Hervias.
Base sa report, si Hervias ay sinugod ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki at binugbog matapos magprograma sa radyo.
Para kay Castro, ang naturang insidente ay maituturing na pag-atake na rin sa press freedom o kalayaan sa pamamahayag at sa karapatan ng mamamayan sa tamang impormasyon.
Bunsod nito ay nananawagan si Castro sa taumbayan na patuloy na labanan ang lumalalang kultura sa bansa ng pag-atake sa press freedom at kabiguang mapanagot ang mga gumagawa ng krimen.
Facebook Comments