Pag-atake sa Marawi, matagal nang pinlano ng Maute ayon kay Secretary Lorenzana

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na matagal nang pinagpaplanuhan ng Maute Group ang pagkubkob sa Marawi City.

Ayon kay Lorenzana sa briefing sa Malacañang, noong Enero pa ay nagsisimula nang magpuslit ng armas ang Maute sa Marawi para sa kanilang planong pag-okupa sa nasabing lungsod.

Mayroon aniya silang nakuhang video kung saan makikita ang magkapatid na Maute at si Isnilon Hapilon na nagpaplano.


Nagpaliwanag din naman ni Loreznana kung bakit hindi agad ito napigilan ng militar.

Sinabi nito na maraming nangyaring insidente sa ibat-ibang lugar sa bansa tulad ng terrorist attack sa Ibanangga, Bohol at ilang insidente sa Basilan at Sulu na naging dahilan ng paglilipat-lipat ng tropa ng militar sa maraming lugar.
DZXL558

Facebook Comments