Pag-atake sa MV Tutor vessel sa Red Sea na may sakay na mga marinong Pinoy, kinokondena ng DFA

Kinokondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawang pag-atake ng mga umano’y armadong grupo sa MV Tutor Vessel sa Red Sea na may sakay na mga Pilipinong marino.

Nangyari ang naturang pag-atake nitong ika-12 ng Hunyo.

Ayon sa DFA, nakahanda umano ang pamahalaan sa mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga tripulanteng Pilipino at matiyak ang hustisya.


Nananawagan din ang DFA sa lahat ng estadong miyembro ng United Nations (UN) na protektahan ang karapatang pantao ng mga mandaragat.

Titiyakin naman ng ahensiya ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mga Pilipinong marino sa iba’t ibang panig ng mundo.

Facebook Comments