Pag-atras ng ilang public schools sa pilot run ng face-to-face classes, temporary lamang ayon sa DepEd

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi umatras at ipinagpaliban lamang ng ilang pampublikong paaralan sa bansa ang pagnanais na makibahagi sa pilot run ng face-to-face classes.

Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, nagdesisyon lamang ang mga paaralan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Posible rin aniya na madagdagan pa ang 90 public schools para sa target na 100, na papayagang lumahok sa limitadong face-to-face classes na magsisimula sa November 15.


Sa ngayon, inilatag ni Garma ang mga magaganap kung mag-uumpisa ang pilot run ng face-to-face classes sa labas ng National Capital Region o NCR, kabilang ang kombinasyon ng school based at home based learning para sa mga mag-aaral.

Facebook Comments