Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi umatras at ipinagpaliban lamang ng ilang pampublikong paaralan sa bansa ang pagnanais na makibahagi sa pilot run ng face-to-face classes.
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, nagdesisyon lamang ang mga paaralan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Posible rin aniya na madagdagan pa ang 90 public schools para sa target na 100, na papayagang lumahok sa limitadong face-to-face classes na magsisimula sa November 15.
Sa ngayon, inilatag ni Garma ang mga magaganap kung mag-uumpisa ang pilot run ng face-to-face classes sa labas ng NCR, kabilang ang kumbinasyon ng school based at home based learning para sa mga mag-aaral.
Facebook Comments