Pag-atras ng mag-asawang Discaya sa pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI, binatikos ng isang Kongresista

Binatikos ni Akbayan Party-list Representative Percy Cendaña ang pasya ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na huwag ng makipagtulungan sa imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) ukol sa maanomalyang flood control projects.

Giit ni Cedaña, ang hakbang ng mag-asawang Discaya ay tila pag-amin sa kanilang kasalanan.

Palaisipan kay Cedaña ang pagbawi nina Curlee at Sarah ng kanilang kooperasyon sa ICI gayong wala naman itong pinagkaiba sa imbestigasyon ng senado at Kamara kung saan hindi sila nag-alinlangan na magturo ng mga kasabwat nila.

Ayon kay Cedaña, bunsod nito ay tila pinabilis lang ng mag-asawang Discaya ang hatol na guilty sa kanila ng taumbayan.

Facebook Comments