Pag-atras ng mga Dy sa kanilang Kandidatura,’Di Plinano- City Mayor Bernard Dy!

*Cauayan City, Isabela- *Iginiit ni Cauayan City Mayor Bernard Dy na hindi plinano ng pamilya Dy ang kanilang pag-atras sa kanilang kandidatura para sa 2019 midterm elections.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Dy, nanaig pa rin ang kanilang pagpapahalaga sa pamilya kaya’t binawi na lamang ang kanilang Kandidatura noong huling araw ng substitution sa mismong tanggapan ng COMELEC Isabela.

Matatandaan na nagwithdraw sa kandidatura sina 3rd District Rep. Napoleon “Pol” Dy sa pagka-gobernador ng Isabela at ginang Norma Valcos sa posisyong Mayor ng Cauayan na pinalitan at binawi rin ni Bill Dy na tito ni incumbent mayor Bernard Dy.


Ayon pa sa alkalde, ipinagdasal anya ng kanilang pamilya na maging maayos na ang kanilang mabigat na pinagdadaanang pagsubok bilang magkakapamilya.

Kanya ring nilinaw na walang third party kaugnay sa pag withdraw ng dalawang Dy kundi sadyang nanaig lamang anya ang pagpapahalaga sa kanilang relasyon bilang iisang pamilya.

Sa halalan 2019 ay nakatakdang makaharap sana ni Isabela 1st District Congressman Rodolfo “Rodito” Albano III si 3rd District Rep. Napoleon “Pol” Dy para sa posisyong Gobernador ng Isabela habang si Bill Dy naman ay ang kasalukuyang alkalde ng Cauayan.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang mga aktibidades at pagpapailaw sa Christmas tree nitong araw ng huwebes na gaganapin mismo sa harap ng City hall bilang bahagi sa pagsalubong sa nalalapit na kapaskuhan.

Facebook Comments