Manila, Philippines – Para kay Senator Win Gatchalian, isang magandang desisyon ang ginawa ni Congressman Paolo ‘Polong’ Duterte na pag-atras sa house speakership race.
Diin ni Gatchalian, ang ginawa ni Congressman Polong ay pagpapakita ng delicadeza dahil ang kanyang ama ay ang Pangulo ng bansa.
Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang check and balance sa tatlong sangay ng gobyerno.
Inihalimbawa ni Gatchalian ang proseso sa pambansang budget kung saan ang Kongreso ang gagawa at mag-aapruba habang ang executive department naman ang magpapatupad.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na kung ang namumuno sa Mababang Kapulungan ay kamag-anak ng Pangulo ay hihina ang check ang balance sa pamahalaan.
Facebook Comments