Inaprubahan na ng Korte Suprema ang hirit ng Amerikanong sundalo na si Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na iurong ang kanyang apela sa naging hatol ng korte sa kaniyang pagpatay sa Filipino transgender na si Jenniffer Laude noong 2014.
Partikular na iniurong ni Pemberton ang apela noong 2017 sa kasong kriminal at sibil.
Ayon sa kampo ni Pemberton, tinatanggap na nito ang hatol ng korte sa kaniya na final and executory.
Bunga nito, sinabi ng Supreme Court na maituturing nang “closed and terminated” ang kaso.
Una nang hinatulan si Pemberton ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 noong December 2015 ng anim hanggang sampung taong pagkakakulong dahil sa pagpatay kay Laude sa loob ng Celzone Lodge sa Olongapo City noong October 11, 2014.
Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng lower court kaya umakyat sa Korte Suprema ang kampo ng sundalong Amerikano