Pag-audit sa gobyerno kasama na ang COA, tatrabahuhin ni Pangulong Duterte kapag nagwagi bilang bise-presidente

Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-audit sa buong gobyerno kasama na ang Commission on Audit (COA) oras na manalo siya bilang bise-presidente sa 2022 election.

Sa gitna ito ng pagpuna ng pangulo sa COA magmula nang inilabas ng komisyon ang 2020 report na mayroong deficiency sa P67.32 billion COVID-19 response ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Pangulong Duterte, kailangang may isang taong gumawa ng plano kaya mas mabuting simulan niya na ito kung magwawagi sa susunod na eleksyon.


Muli namang hinimok ng pangulo ang COA na maglaan pa ng panahon para makasunod ang gobyerno sa mga rekomendasyon ng komisyon.

Giit kasi ni Pangulong Duterte, susunod naman sa panuntunan ang gobyerno pero sana ay mabigyan pa sila ng mahabang panahon upang makapaghanda.

Sa ngayon, tinawagang-pansin din ng pangulo ang COA na itigil na ang pagpapalabas ng audit reports.

Facebook Comments