Inihayag ngayon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na parte ng trabaho ng binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-audit ang lahat ng proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH)
Ayon kay Roque, bagama’t hindi nito binanggit kung anong proyekto ng DPWH, mas maiging hintayin na lamang ang magiging report ng binuong expanded task force.
Sinabi pa ni Roque na isa sa trabaho ng task force ay imbestigahan ang mga korapsyon at katiwalian sa bawat ahensiya o sangay ng pamahalaan kaya’t nararapat lamang na gawin nila ang kanilang trabaho.
Una nang hinimok ng Pangulong Duterte ang mga opisyal ng DPWH na sangkot sa koapsyon na umalis na sa kanilang pwesto kung saan naniniwala siya na marami ang gumagawa ng katiwalian dito.
Matatandaang ang DPWH ang isa sa limang ahensiya na prayoridad na iimbestigahan ng task force kasama na rito ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Registration Authority (LRA).