
Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang masusing imbestigasyon at pag-audit kaugnay sa naging viral video ng suntukan sa pagitan ng mga pribadong security guard at sa isang menor de edad sa Intramuros, Manila.
Kung saan nagbigay ng direktiba si PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) na pangunahan ang parallel audit sa security firm para beripikahin ang bisa ng License to Operate ng nasabing agency pati na rin ang mga lisensya ng nasabing dawit na security guards.
Bukod dito ay nagbigay na rin direktiba si Nartatez sa koordinasyon sa Manila LGU at sa administrasyon ng Intramuros.
Nabatid na nagkaroon ng komprontayon ang mga nasabing segurity guard at ang isang menor de edad na lalaki matapos sitahin patungkol sa pagbibisikleta nito sa bawal na lugar.
Kung saan sinubukan umanong tumakas ng nasabing menor de edad ngunit sya ay napigil ng mga security guard.
Dahil sa insidente ay nasugatan ang biktima at nananatili ngayon sa hospital.
Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 para sa physical abuse of a minor ang nasabing 2 security guards.










