LINGAYEN, PANGASINAN – Bilang nag-sisilbing gateway sa ibang probinsiya ng Region 1 ang Pangasinan, pananatilihin ng PNP ang mahigpit na pagbabantay sa boarder checkpoints nito. Ito ay sa kabila na kahit nasa GCQ na lamang ang Pangasinan ay hindi pa rin umano titigil ang mahigpit na border checkpoint na ipinapatupad ng pulisya sa lahat ng strategic border areas ng lalawigan.
Ito ay upang matiyak na walang makakalusot na mga mag-babalik probinsiya na hindi otorisadong pumasok dahil wala o kulang ang kaukulang mga dokumento. Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director P/Col. Redrico Maranan, epektibo ang control points sa border areas kung saan hindi lamang umano Pangasinan ang nakikinabang dito kundi maging ang nalalabing bahagi ng region 1 provinces. Pag-lilinaw naman ng PNP Pangasinan na hindi ito klase ng diskriminasyon kung ito umano ay bahagi ng pag-iingat upang makaiwas sa COVID-19.