Tiniyak ng Dept. Of Information and Communications Technology (DICT) na maliit lamang ang magiging epekto ng pag-ban ng Amerika sa Chinese Telecom Company na Huawei sa industriya ng Telekomunikasyon sa bansa.
Ito ay matapos magbabala si US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa Pilipinas sa paggamit ng teknolohiya ng naturang Chinese company dahil sa ginagamit umano ito sa pang-eespiya.
Sa statement ng DICT, nagpahayag na ang mga local telco na handa silang maghanap ng ibang supplier para hindi maapektuhan ang kanilang network.
I-oobliga ng ahensya ang mga telco na ipagpatuloy ang monitoring para matiyak na hindi makokompromiso ang kanilang network kung hindi mawawala ang kanilang license-to-operate.
Nauna nang tiniyak ng Globe at PLDT-Smart na patuloy na gagana ang mga Huawei devices ng kanilang mga kustomer.