Pag-ban sa dalawang US Senator, wala nang atrasan, palasyo

Buo na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ipagbawal na makapasok ng Pilipinas ang dalawang senador ng Amerika na nagpanukala para pagbawalan makapasok sa US ang mga government officials na umanoy nasa likod na ‘wrongful imprisonment’ kay Senator Leila Delima.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo hindi na magbabago ang kautusan ni Pangulong Duterte na i-ban sina US Senators Patrick Leahy at Dick Durbin na makatuntong sa Pilipinas.

Sinabi ni Panelo patuloy na ipinapakita ng dalawang senador ang pagiging ignorante nito sa mga pangyayari ng batas kasunod ng mga panawagan nitong palayain si Senadora Delima at bigyan ng patas na pagdinig.


Binigyan diin ni Panelo na matagal nang binigyan ng patas na trial ang senadora at pauulit-ulit na umano itong ipinaliwanag sa kanila.

Ang problema sa dalawang senador ayon kay Panelo ay patuloy itong nakikinig sa mga sinasabi ng mga kritiko ni Pangulong Duterte imbes na aralin ang kaso ni Delima.

Facebook Comments