Pabor ang Department of Health (DOH) sa pag-ban sa disposable vapes na isinusulong ng Finance Department.
Ito ay dahil sa masaming epekto ng vapor products sa kalusugan at kalikasan.
Ayon sa DOH, ang disposable vapes at vapor products ay nagdudulot ng lung injury (EVALI), nicotine addiction gayundin ng respiratory at cardiovascular diseases.
Sinabi pa ng DOH na ang disposable vapes ay gawa sa plastic at batteries na hindi maaaring i-recycle at hindi nabubulok.
Ang naturang items anila ay electronic waste o e-waste na nagtataglay ng mapanganib na chemicals na sumusuot sa lupa at water sources kaya mapanganib ito sa kalikasan at kalusugan ng publiko.
Facebook Comments