Isinusulong ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na pagbawalan ang mga barko at eroplano ng Russia na gamitin ang mga paliparan at pantalan sa buong mundo.
Ito ay bilang parusa sa Moscow na siyang umaatake sa bansang Ukraine.
Sa post ni Zelensky sa Facebook, hinimok nito ang international community na ikonsidera ang pagpapatupad ng total closure sa lahat ng sasakyang pandagat at panghihimpawid ng Russia.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang negosasyon ng dalawang bansa upang matigil ang giyerang kumitil na ng 350 sibilyan at nagresulta ng mahigit kalahating milyong Ukrainians na lumisan na ng bansa.
Facebook Comments