Bibili na ng mga bagong tren ang Philippine National (PNR) Railways para sa South Long Haul na mas kilala bilang PNR Bicol.
Itoy matapos lagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng DOTr, PNR at winning bidder na CRRC Zhuzhou Locomotive Co. ltd., isang Chinese firm.
Nakapaloob sa kasunduan ang pagbili ng standard gauge Diesel Multiple Unit (DMU) trains para sa PNR.
Ayon kay DOTR Secretary Arthur Tugade, kapag naging operational na ang mga bagong tren para sa South Long Haul Project o PNR Bicol mababawasan na ng hanggang 80 percent ang travel time sa pagitan ng Manila at Bicol Region.
Paliwanag ng kalihim ang proyekto ay binubuo ng tatlong train sets na may tatlong car formations.
Inaasahang darating sa bansa ang train sets sa June 2021 at inisyal na ide- deploy mula Calamba sa Laguna hanggang Naga City sa Camarines Sur na posibleng abot pa sa Legazpi City sa Albay.
Dag-dag pa ni Tugade ang Diesel Multiple Unit trains ay kinatatampukan ng business class, first class, at second class accommodations.
Ibinida pa ng kalihim na kaya nitong makapagsakay ng 168 pasahero at may 36 na upuan para sa business class, 52 naman para sa first class, at 80 sa second class.