Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, may legal na basehan sa ilalim ng Anti-Terror Act ang direktiba ng National Telecommunications Commission o NTC sa internet services providers na i-block ang nasa 20 websites.
Sabi ni Lacson, ito ay kung ang mga ipina-block na websites ay may kinalaman sa pagpopondo sa aktibidad ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA.
Diin ni Lacson, sa ilalim ng Anti-Terror Law ang CPP-NPA ay itinalaga bilang isang teroristang grupo.
Gayunpaman, sinabi ni Lacson na karapatan ng mga naagrabyado sa naturang hakbang na kwestyunin ito sa korte dahil may kaugnayan ito sa interpretasyon ng batas.
Si Lacson ay isa sa mga may-akda at nag-sponsor ng Anti-Terror Act sa Senado.
Facebook Comments