Manila, Philippines – Ilulunsad na sa June 19, ang bagong programa ng Department of Agriculture para mapaganda , mabuhay ang mga ilog at lawa sa ibat ibang panig ng bansa.
Layun ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa ng DA, na mapatatag ang hanap buhay sa pangingisda , mabalanse at maparami ang mga kalimitang kinakain ng mga pinoy tulad ng bangus at tilapia.
Ayon kay D.A Sec. Manny Piñol tatagal ng 5 taon ang rehabilitasyon sa 6 major river basins at 7 major lakes kabilang na ang Laguna de Bay.
June 19 na sisimulan ang programa kung saan sisimulan nila ito sa old municipal hall Barangay Baybayin, Los Baños, Laguna.
Bukod sa pag-aalaga sa katubigan sa bansa, bibigyan din ng Department of Agriculture ang mga gamit sa pang hanap buhay ang mga residente ng CALABARZON kabilang ang mga gamit sa pangingisda.
DZXL558, DK Zarate