Pinapabuo ni Senator Nancy Binay ang Inter-Agency Task Force na nakatutok sa COVID-19 crisis ng instruction manual o blue book ng paiiraling new normal kapag natapos na ang community quarantine.
Ayon kay binay, ang gagawing easy-to-follow na instruction manual o blue book ay ang syang susundan ng publiko, mga lokal na pamahalaan at mga negosyante kapag na-relax o natanggal na sa Mayo a-kinse ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ipapamigay ito sa mga paaralan, restaurant, hotel, tindahan, terminal ng mga pampasaherong sasakyan, amusement center at lahat ng pampublikong lugar.
Diin ni binay, dapat nakadetalye sa blue book o handbook ang mga patakaran para makapag ingat sa COVID-19 kahit lifted na ang ECQ.
Iminungkahi din ni binay na para madaling intindihin ang handbook ay gawin itong illustrated format o parang komiks ng mga tanong at sagot ukol sa COVID-19 na kapapalooban din ng mga dapat na pag iingat gaya ng personal hygience, social distancing at iba pang paraan.
Pero habang ginagawa ito ay hinikayat ni binay ang pamahalaan na gumawa na ng mga infomercial sa radyo at TV at magpakalat ng mga posters ukol sa mga aasahan sa magiging new normal na pamumuhay natin.