Pag-canvass ng Kongreso sa boto at proklama ng nanalong pangulo at ikalawang pangulo, hindi mapipigilan

Walang makakapagil sa Kongreso na tuparin ang trabaho nito na i-canvass ang boto at iproklama bago ang June 30 ng nanalong pangulo at ikalawang pangulo na pinili ng mahigit 31 milyong mga Pilipino.

Sagot ito ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa lahat ng nagbabanta at kumikilos para huwag maiproklama ang nanalong bagong presidente at bise presidente sa katatapos na eleksyon.

Paliwanag ni Zubiri, nakasaad sa Konstitusyon na dapat i-canvass ng Kongreso ang resulta ng botohan para presidente at bise presidente ng bansa.


Giit ni Zubiri, hindi mahahadlangan ang Kongreso sa pagtupad ng mandato para matiyak ang mapayapang pagsasalin ng kapanyarihan sa susunod na mamumuno sa bansa.

Diin ni Zubiri, ito ay bahagi demokrasya at ng kanilang sinumpaang tungkulin sa mamamayang Pilipino.

Facebook Comments