Pag-convene ng Board of Canvassers ngayong araw kaugnay ng BOL Plebiscite, naudlot

Maagang naudlot ang bilangan sa katatapos lamang na botohan plebisito para sa Bangsamoro Organic Law

Ito ay matapos na walang natanggap na certificate of canvass ang Commission on Elections ngayong araw.

Dahil dito, nagdeklara ng recess ang COMELEC En Banc na tumatayong National Plebescite Board of Canvassers at nagdesisyon na muling mag-convene sa February 11 dakong alas-dos ng hapon.


Ibig sabihin, sa naturang petsa na lang din mabibilang ang mga boto sa ilang lugar sa Lanao del Norte at North Cotobato kung mapapasama ba sila sa itatayong Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Samantala, sinabi naman ng COMELEC, na tuloy na sa Sabado, February 9 ang kanilang pag iimprenta ng balota para sa local at national elections.

Facebook Comments