Muling isinulong ni Deputy Speaker at Pampanga’s third district Aurelio “Dong” Gonzales Jr., na mag-convene ang Kongreso bilang constituent assembly o ConAss para isagawa ang pag-amyenda sa mga economic provision sa 1987 Constitution.
Ito ang nakikitang solusyon nj Gonzales sa agam-agam ng Senado sa isinusulong na Constitutional Convention o ConCon para isakatapuran ang Charter Change o ChaCha.
Sang-ayon si Gonzales sa punto ni Senate President Migz Zubiri na ang ConCon ay magkakaroon ng plenary powers kaya mawawalan ng kontrol dito ang Kongreso kahit paki-alaman nito ang mga political provision sa Saligang Batas.
Sa ilalim ng resolution of both houses No. 1 na inihain ni Gonzales, ang ConAss ay hindi masyadong magastos at mas mabilis pa na pagsasagawa ng ChaCha.
Dagdag pa ni Gonzales, tugon din ang Con-Ass sa pagtalikod ng Makati Business Club at iba pang malalaking business groups sa ChaCha dahil hindi sila pabor na gumastos ng bilyones para sa ConCon.