Pag-convene ng National Security Council, hindi irerekomenda ng security cluster kay Pangulong Marcos

Hindi irerekomenda ng security cluster ng pamahalaan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-convene o pagpapatawag ng buong National Security Council (NSC).

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año, epektibo aniya sa ngayon ang pagtugon ng National Maritime Council (NMC) sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nagpulong na rin aniya ang NMC para tugunan ang isyu at ipatupad ang mga utos ng pangulo.


Gayunpaman, sinabi ni Año na na kay Pangulong Marcos pa rin ang pagpapasya kung ipatatawag o hindi ang buong konseho anumang oras.

Matatandaang umaapela ang ilang senador na i-convene na ng pangulo ang NSC dahil sa mas lumalalang aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Facebook Comments