Nais ng Pambansang Pulisya na magtuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-kolaborasyon at koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Layon nito na mapalakas at mapahusay ang kanilang mga ikinakasang hakbangin kontra-online selling ng mga illegal firecracker.
Isa aniya ito sa mga solusyon na kanilang nakikita upang mas maging handa sa susunod na pagsalubong ng Bagong Taon.
Bunsod nito, iginiit ni Col. Fajardo na kailangan talaga ng tulong ng ibang ahensya ng gobyerno upang agad na masawata ang talamak na online selling ng mga iligal na paputok.
Wala naman aniya silang nakikitang problema sa pagbabantay sa mga retailer, manufacturer at distributor na nabigyan ng permit dahil batid nila ang place of operation ng mga ito.
Subalit pagdating ani Col. Fajardo sa online selling, aminado ang PNP na hirap silang i-monitor ang mga ito.
Bukas naman aniya ang Pambansang Pulisya sa anumang suhestyon, para higit na mapaigting at mapalakas ang kanilang operasyon laban sa mga iligal na paputok.