PAG-DEPUTIZE NG LTO REGION 1 SA ILANG MIYEMBRO NG PNP RHP-1 ISINAGAWA BAGO ANG SEMANA SANTA

Aabot sa pitong mga miyembro ng PNP Regional Highway Patrol Unit sa lalawigan ng Pangasinan ang dineputized ng Land Transportation Office Region 1.
Dito bibigyan ng kapangyarihan ang mga deputized member ng RHP-1 na maghuli ng mga driver na lalabag sa batas trapiko.
Isinagawa ang nasabing deputization kahapon sa Lingayen Pangasinan kasabay ng isinasagawang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2022 ng LTO Region 1.

Sa naging pahayag ni Lingayen LTO Chief Aileen Peteros, hangad nila na maisaayos at maging klaro ang magiging gampanin ng mga deputized members ng PNP RHP 1 pagdating sa pakikipagtulungan sa kanilang ahensya.
Lubos naman ang pasasalamat ni PMaj. Rufino Noog ang Team Leader ng HPG Pangasinan sa pamunuan ng LTO Region 1 sa nasabing hakbang upang sila ay malinawan at mas mapagtibay ang kanilang gagawing pag-implementa ng mga batas trapiko at tulong umano sa pagsugpo sa kriminalidad lalo na ng carnapping. | ifmnews
Facebook Comments