Pag-detain sa mga convicted sa heinous crime sa gitna ng isla, isinusulong sa Senado

Manila, Philippines – Isinusulong ni senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magkaroon ng isang hiwalay at mala-Alcatraz na kulungan para sa mga convicted sa karumal-dumal na krimen

Ang Alcatraz ay isang mabatong isla sa San Francisco Bay sa California, USA na ginamit noon bilang military at federal prison facility.

Ayon kay Zubiri, nararapat lamang na ikulong sa isang hiwalay na isla ang isang convicted sa heinous crime para sa kaligtasan ng komunidad


Sa ilalim ng Senate Bill 1004 na inihain ng senador, pinapanukala ang Heinous Crimes Penitentiary na pangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ipapatayo ang mga pasilidad na ito sa ilang rehiyong tutukuyin ng secretary ng Department of Justice (DOJ) at ililipat dito ang mga bilanggo mula sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Facebook Comments