Pag-develop ng General Santos Airport, magbibigay ng magandang epekto sa ekonomiya ng GenSan ayon kay Tugade

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mas mapapabuti pa ang ekonomiya ng General Santos City sa Mindanao kung sakaling matapos na ang pag-develop ng General Santos Airport.

Ayon kay Secretary Tugade, kapag natapos na ang pag-develop ng General Santos Airport, ito ang kauna-unahang airport sa Mindanao na magkakaroon ng cutting-edge at innovative contactless features na tulad ng nasa Clark International Airport ng Pampanga.

Dahil dito aniya ay mas magiging effortless, safe, at convenient sa mga pasahero ang mga service sa nasabing airport.


Inanunsyo pa niya na sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL), kung saan ito ang magsisimula ng biyahe mula at patungo sa Kuala Lumpur sa Malaysia via GenSan-Kuala Lumpur-GenSan route sa December 9, 2021.

Aniya, sa expanded Passenger Terminal Building (PTB) ng General Santos Airport, tataas mula 800,000 ang passenger capacity hanggang 2 million passengers kada taon.

Facebook Comments