Iginiit ng Department of Science and Technology (DOST) na kailagang iprayoridad ang pag-develop ng bigas na kakayanin ang sobrang init bunga ng Climate Change.
Ayon kay Philippine Rice Research Institute (Philrice) Chief Science Research Specialist Norvie Manigbas, ang mataas na temperatura ay isa mga hadlang sa rice production sa Pilipinas.
Ang karaniwang bigas na pinalalago sa bansa ay mataas ang yield, dekalidad ang bawat butil at matibay laban sa mga peste o sakit.
Ang rice varieties na ito ay walang high temperature tolerance.
Sinabi rin ni Manigbas na nabubuhay lamang ang bigas sa mga temperaturang pagitan ng 25 hanggang 35 degrees celcius at nagiging sensitive sa maiinit na temperatura.
Sa taya ng DOST-PAGASA, ang temperatura sa isang lokal na sakahan ay umaabot na sa 35 degrees celcius o mataas pa.