Puntirya ng Department of Environment and Natural Resources na mas madevelop pa ang Laguna Lake para maging dagdag na mapapagkunan ng suplay ng tubig ng Metro Manila bukod sa Angat dam sa Bulacan.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, patuloy ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa Metro Manila kayat dapat paghandaan ang pagtaas ng pangangailangan ng lugar sa suplay ng tubig.
Sinabi naman ni Laguna Lake Development authority (LLDA) administrator Jaime Medina, oras na madevelop pa at mapalalim ang lawa ay mas madaming tubig ang makukuha dito para idagdag na panuplay na tubig sa kalakhang Maynila.
Sa ngayon, may 3 percent ng tubig mula sa Laguna Lake ang naisusuplay sa MMLA sa pamamagitan ng water treatment plant sa Muntinlupa ng Maynilad Water na nagkakaloob ng 300 million liters per day ng tubig at treatment facility ng Manila Water sa Cardona, Cavite na nagkakaloob ng 100 million liters per day ng tubig.
Sa ngayon, mas nakadepende ng malaking bulto ng suplay ng tubig ang MMLA mula sa Angat dam. 90 percent ng tubig sa MMLA ay mula sa Angat dam.
Binigyang diin ni Cimatu na upang mapagkunan pa ng dagdag na suplay ng tubig ang Laguna Lake para sa MMLA ay kailangan nila ng dagdag na pondo mula sa kasalukuyang P400 million budget kada taon.
Umaabot sa P25 bilyon ang panukalang budget ng DENR para sa taong 2020.