Ipinaalala ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) sa lahat ng mga stakeholders ang kanilang mga tungkulin tuwing mayroong nagaganap na kalamidad na kinakailangang i-develop ang kanilang Comprehensive Disaster Plan.
Ayon kay EPD District Director Brig. Gen. Matthew Baccay, mahalaga na laging handa ang mga pulis sa lahat ng uri ng kalamidad.
Paliwanag ni Baccay, magsisimula sila ng mga pagsasanay kung papaano madaling makatugon sa oras ng kalamidad dahil napaka hirap umano magresponde sa isang kalamidad kung sila mismo ay apektado, gaya na lamang sa ilang Police Sub-Stations sa Marikina City na lumubog sa baha dahil sa Bagyong Ulysses.
Dagdag pa ni Baccay, magtatayo ang Marikina Police Station ng Command Center upang maging komprehensibo at may koordinasyon sa pagtugon ng kalamidad at iisa lamang ang magbibigay ng direktiba dahil malaki ang papel na ginagampanan ng mga tauhan ng PNP tuwing may kalamidad.