Pasado na sa second reading ang House Bill 1248 o ang E-Government Act na layong gawing electronic ang lahat ng serbisyo at transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Layunin din ng panukala na makasunod ang gobyerno sa ipapatupad na “new normal” ngayong COVID-19 pandemic gayundin ang mapagbuti ang ease of doing business ng bansa.
Inaatasan ng panukala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag ng isang E-Government Master Plan na isasailalim sa review kada tatlong taon.
Bahagi ng master plan ang mga pamamaraan para ma-digitize ang paper-based documents at government online payment system.
Bukod dito inaprubahan din ng komite ang consolidated bill na magtataguyod ng digital careers sa bansa.
Sa ilalim nito ay pinabubuo ang DICT, Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng mga programa para sa training, markets at iba pang uri ng suporta para sa digital career.